PAGTITIPON-TIPON NG MGA KAIBIGAN
Musmos Mini-Homecoming at Philosophy Batch 93 Kitakits
May 23-24, 1998

 Go Mari
Atty. Jason Natividad at Mari, sa likod sina Regie Indon at Aissa Tan. Mga kaibigan ko sa MUSMOS, isang org para sa batang lansangan. O sey mo kay Mari, ang siga na Ateneo Law School? Di ba Jason?

Si Aissa at Reggie Indon! Soon to be Mr and Mrs
Ang hindi mahihiwalay mula pa noong College days, sina Regie at Aisa. Malalapit na silang ikakasal. Di ba Pareng Regie? Si Mari na naman .....

Benjie at Rachel
Ang malapit na ring ikakasal na Benjie Manalo at Rachel.   Nagkita sa Musmos, at palaging Musmos... Pareng Benjie, sabihan mo lang kami ng sked ng kasal para makapaghanda kami ng STAG. Si Rey Laguda ang sasagot ng Beer...

Boss Jane
Boss Jane, ang "small but terrible" na Coordinator ng Musmos. Malapit na maging isang Doktora... dakilang kaibigan, cool, matatag! Always a friend ... kahit saan lupalop napapadpad dahil sa kanyang TULI sessions at parties sa mga kaibigan!  Boracay tayo Boss Jane sa October 1998, di ba? Good luck sa September BOARD EXAM boss!  Regards na rin kay Emlyn Escobar, Karen at Bedette Morales.

Ces and Jason
Ang kaklase kong taga NE (Nueva Ecija) na isa nang abogado kasama ang kanyang dilag na si dakilang Ces Flores.  Makulay na buhay ... ebony and ivory... joks lang po! Huwag mo akong ihabla, classmate! Hindi naman libelous ah.  Ces ... gusto ni Jason palitan ko ang katawan niya dito ng Arnold Swarzenegger? Oks lang ba sa iyo?

Hehehehe ... Kain Bong!
Opps, si Minnie Tan naman, kinuhanan ako ng pix... nabigla tuloy si Jason at Regie. Akalan namin kung magwawala na si Atty. Minnie .... Minni... sa kakakuha mo ng pix tuloy wala ka sa mga kuha mo.

Beth and Mari
Well, si soon-to-be Attys. Mari Gerardo at Beth. Mga Musmos na magiging abogado na rin para sa mga batang lansangan... O di ba?

Joanne And Beth
Beth and Joanne Enriquez, na may-ari ng halos buong Marikina at Lucena. Di ba Jo? Si Joanne ang aming magiging dakilang businesswoman on the making.

Philo Block Fully Alive!
Wala na naman ako, kasi taga-kuha lagi. Nakakanis ano? Well, heto ang mga mababait kong kaibigan at kaklase sa pamimilosopiya, (L-R) si Maita (MA Psych), si Tatine (law school), Phil (MA Socio), Joie (MBA), Ann (CMO), Lisa (MBA).  Si Tita Lisa, ikakasal na po sa January 9.... talagang pupunta ako.

Hey, it has been s years ago and here we are!
Sa apartment ni Maita, ano pa eh di bonding na naman. Walang tulugan sa gabi hanggang mag-umaga.  Puyat sa kabubukas ng Aegis, kabubusisi ng mga crush, mga mortal enemy, mga love dreams, mga pilosopikong pananaw ni Kierkegaard, pati na rin ang mga kalokohan at ek-ek sa Law School.

Isa pa nga.
Last pose daw ng mga philo girls sa soon-to-be-married na Lisa Africa. Lisa, good luck.  Si Lisa ay isa sa mga matatag, tahimik, ngunit nasa "loob" ang katapatan, kabaitan, at "kulo."  Basta sinabi ko sa iyo, pupunta ako sa iyong kasal. Peks man.

Mabuti pa at gising sila!
Naumagahan na sa aircon na apartment ni Maita. Kaso tulog pa si Rina Tamayo at hindi pa bumalik si Regie Lobo at Sheerin Castillo.  Hindi pa rin dumating si Edward Opinaldo, ehem Maits ... at si Sharleen.

Hi Reggie....
Si dakilang Regie na ikakasal na sa June 1999. Bakit lahat na yata ng tao magpapakasal?  Hehehe.... Huwag mo akong tanungin, sinagot ko na `yan.

Oppss, SIGN MY GUESTBOOK

BALIK SA UNANG PAHINA

 

 

Mahal Kong . . . .

Iyong Bakas at Alala

Isa Pang Tahanan Ko

Aking Matalik na Kaibigan

Makabayang Pakikisangkot

Karapatang Ari 1998
J. S. Eliab
Walang bahagi ng mga nakasulat dito ang maaring gamitin ninuman

sa anumang anyo at hugis na walang nakasulat na pahintulot
ang tagalathala maliban sa ilang pagsiping
gamitin sa pagtatasa ng
mga gawain at paksang nakasaad dito.