Lumipad ka, agila!

Minsan natatanong ko sa sarili ko . . . . .

                     Lahat ba na nangyayari ay nakatadhana na sa atin?
          Lahat ba na hirap natin sa buhay ay kasama na ng ating kapalaran?
                Ang pakikipagkaibigan ba talagang may kasamang hirap at kirot?

Marami na rin akong nakilalang tao, may mga naging kaibigan at merong ring naging tunay na kaibigan, may nakakaaway rin.  Ganoon nga talaga ang buhay.

     Ngunit, ngayon . . . . narito ka kaibigan sa bungad.   Hindi ko alam kung makikikilala kita ng lubusan.  Hindi ko rin alam kung magpapakilala ka sa akin sa gitna ng pagkukunwari at pagtatago (na iba sa aletheia ng mga Griyego) ng tunay na sarili sa kapuwa, lalo na sa Internet.  Kahimanwari, nagbabakasali lang naman ako.  Baka may mapadpad na isang nilalang sa aking munting tahanan, baka may maligaw na kaibigan sa gitna ng karagatan ng iba't ibang nakahain sa Internet, at hindi lamang maging isang panauhin ng aking homepage, kundi maging panauhin ng aking sarili, ng aking buhay.

    Sabi nga ng isa ko pang kaibigan, kahibangan itong ginagawa natin.   Hindi natin ito madadala sa kabilang buhay.  Sang-ayon ako.  Ngunit nagsisikap pa rin akong itirik ang munting tahanang ito, baka may isang nilalang na makisilong, makipagniig, makiawit, makigitara, makipagkaibigan, makipagsapalaran sa mundo ng konsepto at meron, makipagbuno sa langit ng teolohiya at pilosopiya, sa madidilim na sulok ng tagong-malay ng sikolohiya, o sa makasaysayang pagpapalitan ng kuro-kuro ng pulitika.

    Hay naku. Kaibigan.  Ikaw ang bahala.  Nasa sa iyo ang susi.  Susi ng aking munting tahanan.  Baka may masumpungan ka, baka sa iyong paghahanap ay may matatagpuan ka, at may makikilala ka.  Nasa iyo ang susi na pakikipagkaibigan.  Gamitin mo.  Nasa sa iyo ang panahon, sapat na panahon.

(Pasensiya ka na, ginagawa ko pa ito. Ngunit maari kang pumunta dito.) Kung nais mong makita ang mga pag-aanyo, maari rin dito.

Para naman sa mga mag-aaral na lumulundag sa kanilang moral na buhay, pindutin lamang ang ating palakang iyan, at baka meron kang magisnan. (Ito ay para sa aking mga estudiyante sa etika, Philo 107)

ETIKA!

 

Mahal Kong . . . .

Iyong Bakas at Alala

Isa Pang Tahanan Ko

Aking Matalik na Kaibigan

Makabayang Pakikisangkot

Karapatang Ari 1998
J. S. Eliab
Walang bahagi ng mga nakasulat dito ang maaring gamitin ninuman

sa anumang anyo at hugis na walang nakasulat na pahintulot
ang tagalathala maliban sa ilang pagsiping
gamitin sa pagtatasa ng
mga gawain at paksang nakasaad dito.